Tungkol sa YouTube
Ang misyon namin ay bigyan ang lahat ng boses at ipakita sa lahat ang mundo.
Naniniwala kamin na ang lahat ay may karapatang gamitin ang kanilang boses, at magiging mas maganda ang mundo kung tayo ay makikinig, magbabahagi, at gagawa ng komunidad sa pamamagitan ng ating mga kwento.
Nakabatay ang aming mga pagpapahalaga sa apat na mahalagang kalayaan na nagtatakda sa aming pagkakakilanlan.
Kalayaang Magpahayag
Naniniwala kami na ang mga tao ay dapat magkaroon ng kakayahang magsalita nang malaya, magbahagi ng mga opinyon, magsimula ng mga talakayan, at na ang kalayaan sa paglikha ay nagbibigay-daan sa paglabas ng mga bagong boses, format, at posibilidad.
Kalayaang Makakuha ng Impormasyon
Naniniwala kami na ang lahat ay dapat magkaroon ng madali at bukas na access sa impormasyon, at na ang video ay isang malakas na puwersang makakatulong sa edukasyon, pagtataguyod ng pagkakaunawaan, at pagdodokumento ng mga kaganapan sa mundo, maliit at malaki.
Kalayaang Magkaroon ng Pagkakataon
Naniniwala kami na ang lahat ay dapat magkaroon ng pagkakataon na mabigyan ng oportunidad, gumawa ng negosyo, at magtagumpay sa pamamagitan ng sarili nilang mga kakayahan, at na ang mga tao—at hindi ang iilan lang—ang dapat magpasya sa kung ano ang popular.
Kalayaang Mapabilang
Naniniwala kami na ang lahat ay dapat magkaroon ng kakayahan na makahanap ng mga komunidad na nagbibigay ng suporta, magpabagsak ng mga harang, lumampas sa mga hangganan, at magsama-sama sa iisang interes at kagustuhan.